it was one night i know i won't forget easily.
i can still feel the rush. it was so thrilling. so exciting. yet scary at the same time.
woo. grabe. :D
Loverage 3 was truly Love + Rage + 3. XD
hahaha. grabe yung gabing yun. well.. yung araw na yun na rin pala in general.
I have always loved Friday the 13th. I don't know why pero lagi akong masaya/swerte sa araw na yun. Or not. haha. basta. ganun.
my day started out early kasi 10am deadline ko para sa AVP ng Circuit para sa Loverage. eh... 7am ko lang ginawa. XD buti na lang 1minute lang kasi haggard pag mas mahaba. natapos ko in 2 hours... ok naman siya, i guess. XD. tho hindi ko siya napanood sa mismong fair night :( ang sad.... owel.
FAST FORWARD sa night since ang notable lang naman na nangyari nung buong araw eh yung pabalik balik ako ng EEE at bhouse, yung pagaayos ko ng substitution form ko para makagraduate na at pagrereminisce ng mga pagkaing pambata sa tambayan :p
5pm. Nasa fair grounds na kami since dapat 4pm eh nandun na ang mga Marshalls. Since ticket booth kami (ako, jade, cielo, inah, alvi, michi, gee at pot), at bukas na yung booth ng maaga pa lang. E di nandun na kami.
at grabe... talk about haggard. Dun lang ako nakaranas na makahawak ng ganun karaming pera na di naman akin. tapos nandun lang sya nakakalat sa table. haha.
anyway, dire diretso yung trabahol... grabe. andaming tao. parang di matatapos yung dami ng bumibili ng tickets. ni hindi na kami muna kumain at nakapakinig ng bands. eh dati naman di ganun kahaggard ang ticket. ngayon eh ang OA. hehe.
pero i love the feeling, bigyan lang ako ng tubig eh kayang kaya ko ng ituloy tuloy yun.
tho medyo nakakabwisit yung mga bumibili ng 40-60 na tikets. andami mehn. hirap magbilang ng ganung daming tikets. tapos yung iba pa, lalo na yungm ga jj's, kadiri yung pera... gusut gusot na nakakumpol tapos basa payung iba :(. syempre kelangan pang bilangin yun. haggard. may magcocomment pa na 'no offense, pero ang bagal nyo'. o di ba ansaya? well mabilis sana kung di lang kami nauubusan ng coins (mabuhay ang 5 at 10 peso coins at 20 peso bill! XD). at kung hindi dahil sa mga demmet na mga JJ's na sumisingit sa pila.
lumabas yung sungay ko habang nagbebenta dahil iritang irita na ako sa kanila. E di sinigawan ko.. tapos tinulak ko pa yung isa. hahaha. antapang ko... ansa loob kasi ng booth XD. eh kasi naman, buwisit talaga. basta, nakakawala ng cool. tapos katakot pa yung mga itsura. amf.
pero syempre... smile pa rin ako. :D mahirap na baka biglang madiscover. grace under pressure ba. haha.
at syempre, dapat isulat ko rin to. kasi nagkablooper ako habang nagbebenta XD
eh kasi may bumibiling Koreano yata yun. eh nagtanong if they can go back in and out daw. e di sagot naman ako. 'Oh yes, they will just stamp you' .toink. ahahaha. e di nagtawanan yung mga tao sa ticket booth. kahiya naman ako. hahaha XD. ok lang at least nawala yung stress nila. haha.
anyway, by 10 or so. super haba na daw ng pila sa entrance at ang dami pang bumibili. so pinatigil muna yung pagbebenta ng ticket. at ayun, inaway ang mga ticket people ng mga JJ's na nakapila. amf. di makaintindi yung mga taong yun mehn. antaray nung mga ticket booth girls, pati si Jaymie. hahaha. tho nakakatakot rin kasi baka bigla kaming atakihin nung mga di sibilisadong taong di makaintindi.
dahil di na kami nagtitinda ng ticket, medyo chill chill na muna sana. pero no... napalitan yung agad ng stress. dahil yung mga amf na di sibilisadong tao eh nagpumilit pumasok at sinisira yung fence. grabe talaga. iba yung feeling kapag nandun. scary pero thrilling at the same time. alam ko tanga, pero gusto kong sumamang umawat ng mga ORCS pero wala akong gamit. so sad:(. at as if naman kakayanin ko rin di ba? owel. nakakathrill pa rin at nakakatakot.
tapos ayun na, biglang nasira yung line of defense sa entrance. nagpasukan yung mga orcs.. katakot. eh malapit yung ticket booth sa entrace. e di panic mode kami... biglang kaming nag-evacuate. katakot kasi eh o.o; punta kami sa likod.
nakakatakot yung pagpasok nila ng entrace. pati yung pagbabato nila at pagsira ng pader. o.O;
so sa likod na lang kami. since wala naman na kaming magawa...
tinry na lang namin mag-enjoy lahit nakakatense.
nagcaterpillar kami.. kung saan nalaglag yung lalagyanan ng cam. pero nakuha ko ulit :D
tapos naghintay ng countdown for Valentines :D ang saya. hehe. tapos fireworks! woo! XD
tapos nagFerris Wheel kami, kung saan sobrang takot si jade. kawawa naman. XD nandun kami sa ferris wheel habang tumutugtog si Bamboo...
pagbaba namin at pagpunta sa Loverage Booth kung saan nandun yung mga Circuit Peeps... ayun na, lumala na yung gulo. grabe talaga. yung pagsira ng pader and all. woo. shet lang. parang nakamamatay yun o.o grabe. iab yung feeling pag nandun ka eh. nakakakaba talaga.
eto videos:
UP Fair 2009: Valentines Violence
Riot, Sumiklab sa Pre Valentines
scary. Sinuspend tuloy yung event.. tapos ayun, di na talaga tinuloy. ang sad :(
sayang yung event, maganda pa naman. hay. owel.
ganun talaga siguro.
ansaya sana nung LOVE part, pero yung RAGE part... tsk. scary. o.O;
anyway., in all.. masaya pa rin yung experience :D
learning experience din. hahaha
<3 pa rin ang nagwagi. lol.
basta. yun na. tinamad na ako ituloy.
alam na. hahaha XD